Connect with us

Aklan News

WANTED SA KASONG SERIOUS PHYSICAL INJURIES, ARESTADO

Published

on

Himas rehas ngayon ang isang wanted person sa kasong serious physical injuries matapos mahuli ng mga kapulisan nitong alas-3:25 ng hapon.

Naabutan ng pulisya sa Sitio Manggayad, Brgy. Manocmanoc ang suspek na si Renato Delfin Pacumberto Jr., alyas Ota, 34 anyos, tubong Pandan, Antique.

Naaresto si Pacumberto sa bisa ng warrant of arrest na may criminal case no. 2064-na nilabas ng 5th Municipal Circuit Trial Court, 6th Judicial Region, Buruangga-Malay, na pirmado ni Hon. Cleo Marie C. Santillan.

Nasa P18,000 ang piyansang itinakda ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa Malay PNP station.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *