Connect with us

Aklan News

WANTED SA KASONG PAGPATAY SA BATAN, ARESTADO SA PALAWAN

Published

on

Arestado sa Araceli, Palawan ang isang lalaking wanted sa kasong pagpatay sa Camaligan, Batan noon pang 1991.

Dala ng mga taga Araceli Palawan Police Station mag-aalas 9:00 nitong gabi sa Kalibo PNP Station si Edgar Sta. Maria Martesano, 56 anyos at kasalukuyang residente ng Araceli, Palawan.


Ayon kay Police Senior Master Sergeant Edwino Eleazar ng Araceli Palawan police station, suspek si Martesano sa pagpatay noong October 21, 1991 sa Sitio Talangban, Camaligan, Batan sa biktimang si Alan Abayon.

Ayon pa kay Eleazar, noon pang September 15, 2019 nila naaresto ang suspek, subalit ngayon lamang nila ito nagawang ibiyahe pabalik sa Aklan dahil sa kawalan ng pondo, dahilan din upang ikustodiya nila siya sa kanilang presento sa loob ng mahigit limang buwan.

Nakatakda namang dalhin bukas sa Aklan Regional Trial Court ang akusado para harapin niya ang kanyang kaso, subalit pansamantalang makakalaya kapag makapagpiyansa siya ng P40, 000.00.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *