Connect with us

Aklan News

WANTED SA KASONG HOMICIDE,  NATIKLO NG BALETE PNP

Published

on

Arestado pasado ala 1:00 kaninang hapon sa  Aranas, Balete ang isang lalaking wanted dahil sa kasong Homicide.

Nakilala ang akusadong si Christopher Allan Flores, 37 anyos ng Sitio Mapait, Aranas, Balete.

Inaresto siya ng mga pulis sa bisa ng warrant of arrest na may Criminal Case No.15955 na nilagdaan at ibinaba ni Hon. Joebil B. Delmoro, Presiding Judge RTC 6 Branch 2, Kalibo, Aklan nitong October 12, 2021.

Kaagad naman siyang ikinustodiya sa Balete PNP Station, subalit pansamantalang makakalaya kapag nakapagpiyansa ng P120,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang akusado kaugnay ng kasong isinampa laban sa kanya.

Samantala, nabatid na nangyari ang pananaga umano ng akusado sa biktimang si Renato Casas, 53 anyos ng Sitio Tagaytay, Feliciano, Balete, gabi ng March 27, 2021.

Nabatid sa imbistigasyon ng Balete PNP na magkasama rin noong nag-iinuman ang dalawa na nauwi naman sa diskusyon hanggang sa pinalakol umano ni Flores sa leeg ang biktima at kaagad tumakas.

Isinugod pa noon ang biktima sa ospital, subalit binawian ito ng buhay ilang araw ang nakalipas.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *