Connect with us

Aklan News

Wanted sa kasong child abuse, arestado sa bayan ng Balete

Published

on

By

Kalaboso ang 19-anyos na lalaking wanted sa kasong Child Abuse sa isinagawang Manhunt Charlie ng Balete Municipal Police Station.

Kinilala ng Balete PNP ang akusado na si Markkier Manalo at residente ng Barangay Fulgencio, Balete, Aklan.

Inaresto si Manalo sa pamamagitan ng bisa ng warrant of arrest sa kasong RA 7610 o “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

“Ang naturang warrant of arrest na may criminal case number 16831 ay insiyu ni Hon. Bienvenido Barrios Jr., Presiding Judge, Branch 3, RTC6, Kalibo, Aklan na may petsang June 26, 2023.

Aabot naman sa P80,000 pesos ang itinakdang piyansa ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Samantala, nasa kustodiya na ngayon ng Balete Police Station ang akusado para sa karampatang disposisyon.