Connect with us

Aklan News

Wanted sa kasong carnapping arestado

Published

on

Arestado ng mga kapulisan ang isang wanted person kahapon ng tanghali sa Brgy.Bachao, Kalibo.

Kinilala ang akusado na si Sherwin Reyes, 23 anyos na taga Dongon West Numancia.

Naaresto si Reyes sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong R.A 10883 o ang Anti Carnapping Act.

P200k ang inerekomendang pyansa sa akusado para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Sa ngayon ay nakakulong na ito sa Makato Municipal Police Station para sa karagdagang disposisyon.