Connect with us

Aklan News

Voters registration sa Aklan, suspendido simula ngayong araw dahil sa COVID-19

Published

on

Photo courtesy| The STAR/Edd Gumban and https://en.wikipedia.org/wiki/Commission_on_Elections_(Philippines)

Kalibo, Aklan – Suspendido na rin simula ngayong araw ang isinasagawang voters’ registration ng Commission on Elections (COMELEC) sa bansa para sa May 2022 elections.

Ayon kay Comelec-Aklan spokesman Crispin Raymund Gerardo, nagdesisyon ang poll body na kanselahin na muna ang voter registration dulot ng lumalalang banta ng coronavirus disease (COVID-19).


Magsisimula aniya ang suspensiyon ngayong Marso 10 at magtatagal hanggang katapusan ng Marso ngayong taon.

Nagpaalala rin si Gerardo sa publiko na magsagawa ng mga precautionary measures at maging maingat upang hindi kapitan ng COVID-19.

Sa ngayon ay umaabot na sa 24 ang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *