Connect with us

Aklan News

VG Quimpo at mga miyembro ng SP Aklan, idineklarang Persona Non Grata sa Camsur

Published

on

By

KINONDENA ng Sangguniang Panlalawigan ng Camarines Sur sa pangunguna ni Vice Governor Salvio Fortuno Jr. ang hakbang na ginawa ng SP Aklan laban sa apat na representative ng Camarines Sur.

Gumanti ng resolusyong Persona Non Grata ang Sangguniang Panlalawigan ng Camarines Sur laban sa mga miyembro ng SP Aklan.

Nauna kasing idineklarang Persona Non Grata ni Aklan Vice Governor Boy Quimpo at Sangguniang Panlalawigan members ng Aklan ang mga representative ng Camarines Sur dahil sa pagbuhay nila sa kontrobersyal na Boracay Island Development Authority Bill (BIDA Bill) na mariing tinututulan ng mga opisyal ng Aklan.

Matatandaang inurong na ng mga Camsur Representatives ang pagsulong BIDA Bill noong Agosto 3 pero Agosto 8 nang ideklara silang Persona Non Grata ng SP Aklan sa lalawigan.

Nauna na ring nagpahayag ng pagkadismaya si Congressman Ted Haresco sa ginawa ng SP Aklan.

Ang resolusyon ng SP Camsur na nagdedeklarang Persona Non Grata sa SP Aklan ay ipinasa nitong Miyerkoles, Agosto 10. (MAS)