Connect with us

Aklan News

VAN, BUMALIKTAD NG ILANG ULIT; 6 SUGATAN, 1 PATAY

Published

on

Isa ang patay habang 6 pa ang napaulat na sugatan matapos ilang beses bumaliktad ang isang van sa highway ng Aquino, Ibajay mag-aalas 6:00 ng gabi ng Biyernes, Enero 21, 2022.
Nakilala ang biktimang binawian ng buhay na si Imelda Lirazan, 63-anyos ng Candoni, Negros Occidental. Ang 4 sa 6 na sugatang pasahero ay inilipat sa ospital sa Kalibo at naka-confine naman sa Ibajay District Hospital ang 2.
Ayon sa Ibajay PNP, kaagad na tumakas ang driver ng van na nakilala lamang sa pangalang Feljun Galabasa, nasa legal na edad, at taga Negros din.
Base sa imbestigasyon ng Ibajay PNP, galing sa Maynila ang van at tinatahak ang direksyon patungong Kalibo nang mangyari ang insidente.
Sa imbestigasyon pa ng pulis base sa kuhang video mula sa CCTV, nag-overtake sa isang top-down ang van bago bumangga sa nakaparadang pick-up sa gilid ng kalsada.
Kasunod nito, nagpagewang-gewang ang van bago bumaliktad ng makailang ulit. Nakita rin sa CCTV footage na tumilapon mula sa loob ang isang sakay ng van.
Kasalukuyan nasa Ibajay PNP Station ang 8 pang pasahero ng van para sa karampatang disposisyon.
Patuloy rin umanong nakipag-ugnayan ang Ibajay PNP sa DSWD para matulungan ang mga biktima.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.