Connect with us

Aklan News

UPDATE | SUSPEK SA PAMAMARIL KAGABI, ARESTADO NA

Published

on

Arestado at nasa kustodiya na ngayon ng Ibajay PNP ang suspek sa pamamaril kagabi sa Antipolo, Ibajay.

Ayon sa Ibajay PNP, sumuko bandang alas 7:00 nitong umaga kay Antipolo Barangay Captain Alexander Mationg ang suspek na si Carlos Demas Tanulio, 50 anyos ng nasabing lugar.


Kaugnay nito, nabatid na umuwi galing sa inuman sa kapit-bahay ang biktimang si Richard sa bahay ng kanyang kapatid bago nangyari ang insidente.

Sinasabing nagtalo umano doon ang biktima at isa pang kapatid, na narinig naman ng suspek na nagkataong dumating din sa bahay kung saan unang nakipag-inuman doon si Richard.

Kasunod nito, pumunta umano doon ang suspek sa nagtatalong magkapatid, at doon nagkaroon ng komosyon.

Sinasabing umuwi at bumalik pagkalipas ng 1 oras ang suspek, kung saan magkaka komosyon na naman sana, subalit inawat ng biktimang si Jose ang suspek.

Doon na umano nagpaputok ng baril ang suspek at tinamaan ang mga biktimang sina Jose at Richard.

Samantala, lumalabas pa sa imbestigasyon na itinanggi ng suspek na sa kanya ang hindi na natukoy na kalibre ng baril, kundi naagaw lamang umano niya ito mula sa panig ng binalikan at nakadiskusyong pamilya, na itinanggi naman umano ng nasabing panig.

Samantala, inihahanda naman ng Ibajay PNP ang kasong Frustrated Murder na isasampa laban sa suspek.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *