Connect with us

Aklan News

TSISMIS, POSIBLE UMANONG DAHILAN SA PAGPATAY SA ISANG MISTER SA NUMANCIA

Published

on

Tsismis ang isa sa mga tinitignang dahilan sa pagpatay sa isang mister sa Brgy. Navitas, Numancia kaninang madaling araw.

Ito ay matapos padalhan ng sulat- imbitasyon ang biktimang si Rowen Palomar ng Brgy. sa pangunguna ni Brgy. Capt. Frany Reyes para diumano’y mapag-usapan ang mga bagay na dapat maayos at malinawan na nakatakda sana ngayong araw.


Todo Media Magazine

Ngunit sa impormasyon na nakuha ng Radyo TODO, tumanggi umanong tanggapin ng biktima ang nasabing imbitasyon dahil wala umano siyang oras para dito.

Maaalala na binaril-patay si Palomar kaninang umaga matapos pasukin ng suspek ang kanilang bahay at binaril ito sa ulo.

Naaresto naman ang itinuturong suspek na si Tedy Rivera at kasalukuyang sa kustodiya ng Numancia PNP.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.