Connect with us

Aklan News

Truck driver huli ng kanyang amo matapos magnakaw ng krudo

Published

on

By

Huli sa akto ang isang truck driver matapos nitong nakawin ang krudo sa tangke ng kanyang minamanehong truck alas 11:45 kahapon ng tanghali.

Kinilala ang suspek na si Toribio Perucho, 33 anyos ng Pook, Kalibo.

Ayon sa imbestigasyon ng Malinao Pnp, nagreport kahapon ang may-ari ng truck na si Engr. George Rovero ng Bulwang, Numancia kung saan naaktuhan niya ang kanyang truck drive na si Perucho na kumukuha ng krudo sa nasabing sasakyan sa kanilang stockpile sa Banaybanay, Malinao.

Nakuha kay Perucho ang dalawang container ng krudo.

Agad itong naaresto kahapon at sinampahan ng kasong qualified theft na may piyansang P24,000 pesos.

Sa ngayon ay naka kulong ito sa Malinao Pnp.

Napag-alaman na matagal na palang minamanmanan ang suspek ng kanyang amo.