Connect with us

Aklan News

TRAYSIKEL, SUMALPOK SA VAN 4 SUGATAN

Published

on

Apat ang sugatan matapos aksidenteng sumalpok ang isang traysikel sa isang van alas 8:30 ng umaga kahapon sa Naisud, Ibajay.

Nakilala ang mag-anak na biktimang sina Rudy Nambong, 55-anyos, na siyang driver ng traysikel, at mga anak nitong 2 taong gulang, Leunnelyn Magluyan, 19-anyos, Jennifer Magluyan, 21-anyos, lahat mga taga San Jose, Ibajay.

Base sa imbestigasyon ng Ibajay PNP, galing ng San Jose, Ibajay papuntang Tangalan ang pamilyang biktima nang mabangga nila ang pampasaherong van na minamaneho ni Fred Sabino, 54-anyos ng San Miguel, Iloilo,  sa kurbadang kalsada doon.

Base pa sa imbestigasyon, mabilis umano ang pagpapatakbo ni Nambong ng kanilang traysikel, rason na umagaw ito sa linya ng nasabing van.

Resulta, nagtamo ng pinsala sa kani-kanilang katawan ang mga biktima, na kaagad ding dinala sa pagamutan.
Maliban sa mga nabanggit na biktima, nabatid na dinala din sa ospital ang kinakasama ng driver na si Jacquelyn Magluyan, maging ang isang 11-anyos at 7 taong gulang nilang anak, subalit kaagad ding nakalabas dahil hindi naman malubha ang mga tinamo nilang sugat.

Kinumpirma rin ng Ibajay PNP na hindi nasugatan ang driver ng van, at wala itong pasahero nang mangyari ang insidente.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *