Connect with us

Aklan News

TRAYSIKEL SUMALPOK SA TRAK, 2 SUGATAN

Published

on

Image|Jason Alvarez Belinario

Confined pa ngayon sa ospital ang dalawang lalaki matapos umanong sumalpok sa delivery truck ang sinasakyan nilang traysikel bandang alas 9:40 kahapon ng umaga sa intersection ng Bagto, Lezo.

Nakilala ang mga biktimang sina Rexie Gomez, 19 anyos ng Laguinbanwa East, Numancia at Sherwin Inaudito, 20 anyos ng Tayhawan, Lezo.


Base sa imbestigasyon ng Lezo PNP, magdideliver umano sana ng mga glass sa Numancia ang nasabing traysikel na minamaneho ni Gomez nang aksidenteng sumalpok sa truck na minamaneho ni Wilnemar Gallego, 30 anyos ng Zarraga, Iloilo.

Dahil dito, sugatan ang nasabing driver at kasama nitong si Inaudito na kaagad ding dinala sa ospital.

Ikinustodiya naman sa Lezo PNP Station ang driver ng truck na nakahanda naman umanong tumulong sa gastusin medikal ng mga biktima.

Samantala, lumalabas pa sa imbestigasyon ng mga pulis na mabilis ang takbo ng truck at nakalagpas na ang ulo nito sa traysikel, subalit aksidente pa ring sumalpok sa kanang gilid nito ang nasabing traysikel.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *