Connect with us

Aklan News

Traysikel, nasagi ng topdown – 6 sugatan

Published

on

File photo/ Radyo Todo Aklan

Ibajay, Aklan – Anim ang sugatan matapos masagi ng topdown ang isang traysikel pasado alas 4:00 kahapon ng hapon sa Laguinbanwa, Ibajay, Aklan.

Nakilala ang mga biktimang sina Rene Dailisan, 47 anyos, na siyang driver ng traysikel at sina John Kenneth Ascaño, 19 anyos, at Johnrel Jutic, 37 anyos na kanyang mga kasama, lahat residente ng Mabusao,Ibajay; at ang mga nasa topdown na sina John Anthony Sinag, 15 anyos ng Laserna, Nabas, driver, Saturnino Bernabe, 34 anyos at Venfresh Bernabe, 15 anyos, pawang mga taga Nagustan, Nabas.


Base sa imbestigasyon ng Ibajay PNP, nagkasalubong umano ang dalawa sa kurbadang kalsada, subalit sumobra umano sa kanyang linya ang topdown, rason na nasagi nito ang traysikel.

Resulta, parehong nagtamo ng pinsala sa katawan ang mga biktima na kaagad namang dinala sa ospital.

Samantala, parehong inilipat sa pribadong ospital sa Kalibo sina Jutic at Ascaño habang nakalabas din ng ospital ang iba pa, kasama na ang menor de edad na driver ng topdown, na pansamantalang ikinustodiya sa Ibajay PNP Station para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *