Connect with us

Aklan News

TRAYSIKEL NABANGGA NG MOTORSIKLO, 3 SUGATAN

Published

on

Photo credit to the rightful owner.

Tatlo ang sugatan matapos aksidenteng mabangga ng motorsiklo ang isang traysikel alas 5;20 kahapon ng hapon sa Linabuan Sur, Banga.

Nakilala ang mga biktimang sina Francisco Repiedad, 70 anyos, driver ng traysikel, at residente ng Linabuan Norte, Kalibo, at ang mga rider ng motorsiklong sina Inocencio Gumban, 45 anyos, at angkas nito sa motorsiklong si Desigim Leyson, 37 anyos kapwa residente ng Lapnag, Banga.

Base sapaunang imbestigasyon ng Banga PNP, kapwa papunta sa direksyon ng Banga ang naunang traysikel at motorsiklo.

Subali’t huminto umano ang traysikel at nag-uturn nang nakasignal light, subali’t aksidenteng nabangga ng nasabing motorsiklo.

Dahil dito, tumilapon mula sa traysikel si Repiedad at nagtamo ng pinsala sa katawan, habang kapwa rin nasugatan ang driver at angkas ng motorsiklo.

Kaagad dinala sa provincial hospital sina Repiedad at Gumban, habang sa pribadong ospital naman si Leyson.

Samantala, mapalad namang hindi nasugatan ang hindi na pinangalanang pasahero ng traysikel, habang lumalabas pa sa imbestigasyon na nasa impluwensiya umano ng alak ang driver na si Gumban nang mangyari ang insidente.