Connect with us

Aklan News

TRAYSIKEL, BINANGGA SA LIKOD NG KASUNOD NA MOTOR, BUMALIKTAD AT BUMANGGA PA SA NAKAPARADANG SASAKYAN

Published

on

By

Bumaliktad at bumangga sa nakaparadang sasakyan ang isang traysikel matapos masalpok ng kasunod na motor kaninang umaga.
Ayon sa misis ng traysikel driver na si George Igos Bautista, nakapag-signal light naman raw ito bago lumiko ngunit hindi niya napansin ang mga dumaang riders kaya siya nasalpok.
Dumiretso pa ang traysikel sa nakaparadang sasakyan sa gilid ng kalsada.
Maswerte naman na nakatalon ang kaisa-isang pasahero ng traysikel na nagtamo ng kaunting galos sa katawan.
Habang ang drayber naman ng traysikel ay dinala sa Altavas District Hospital para magamot.