Connect with us

Aklan News

TRAYSIKEL AT WING VAN, NAGSALPUKAN, 4 SUGATAN

Published

on

Apat ang sugatan matapos aksidenteng sumalpok ang 1 traysikel at wing van bandang alas 7:00 kagabi sa Agbago, Ibajay.

Nakilala ang biktimang drayber ng traysikel na si Juan Carlo Tenorio, 35 anyos, kasama ang tatlo nitong mga menor de edad na anak, lahat residente ng Ondoy, Ibajay, habang nakilala naman ang drayber ng wing van na si Christopher Espina, 38 anyos ng San Pedro City, Laguna.


Todo Media Magazine

Base sa paunang imbestigasyon ng pulis, papunta umano noon ng Nabas ang mag-aamang biktima, subali’t nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho ang amang drayber rason na bumangga sa kasalubong na wing van.

Resulta, nagtamo ng pinsala sa katawan ang mga biktima, na kaagad ding isinugod sa ospital.

Samantala, kasalukuyan namang nasa kostodiya ng Ibajay PNP ang drayber ng wing van para sa karampatang disposisyon.