Connect with us

Aklan News

TRAYSIKEL AT MOTORSIKLO, NAGSALPUKAN, APAT SUGATAN

Published

on

Apat ang sugatan sa aksidenteng salpukan ng top down traysikel at motorsiklo mag-aalas 8:00 kagabi sa highway ng Libas, Banga.

Nakilala sa report ng Banga PNP ang mga biktima na sina Romel Batiles, 22 anyos ng Sitio Hininok, Pagsanghan, Banga, at ang kanya mismong live in partner at angkas sa motorsiklo na si Nicka Egaran, 21 anyos ng Fulgencio, Balete, habang nakilala naman ang mga sakay ng top down na sina Dennis Ruiz, 27 anyos na driver at pasaherong si Ernie Melgarejo, 25 anyos, kapwa residente ng Estancia, Kalibo.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulis, galing sa Manggan, Banga at pauwi na sana ang mag-live in partner nang aksidente umanong makabanggaan ang top down na galing naman sa Feliciano, Balete.

Resulta, nagtamo ng pinsala sa kaliwang paa, baba at ulo si Ruiz, habang sa kanang paa at kamay naman ang tinamo ng kanyang pasahero.

Kapwa rin nagtamo ng pinsala sa kani-kanilang katawan ang mag-live in partner, kung kaya’t confined silang lahat sa provincial hospital.

Naiwan naman sa lugar ang motorsiklo at traysikel dahil sa mga pinsalang idinulot ng aksidente.

Advertisement

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.