Connect with us

Aklan News

TRAYSIKEL AT MOTORSIKLO NAGSALPUKAN, 2 SUGATAN

Published

on

Dalawa ang sugatan sa salpukan ng traysikel at motorsiklo kaninang umaga sa Cogon, Lezo.

Nakilala ang biktimang drayber ng traysikel na si Roger Baladjay, 48-anyos ng nasabing lugar, habang 14-anyos lamang ang rider ng motorsiklo na taga Poblacion, Lezo.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, palabas noon mula sa fedder road ng Barangay Cogon ang traysikel nang bumulaga ang humaharurot na motorsiklo ng menor de edad na nauwi sa isang head on collision.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, nagtamo ng sugat sa ulo ang 14-anyos na biktima dahil umano sa posibleng pagtama nito sa bubungan ng traysikel. Tumilapon naman mula sa kaniyang traysikel ang drayber.

Kaagad na dinala sa pagamutan ang dalawa, habang nakatakdang ilipat sa isang ospital sa Iloilo ang menor de edad para sa ibayong gamutan.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *