Connect with us

Aklan News

TRAYSEKEL, BINANGGA NG MOTORSIKLO, 2 SUGATAN

Published

on

disgrasya sa kalsada

Kalibo — Dalawa ang sugatan matapos mabangga ng motorsiklo ang isang traysekel bandang alas 5:30 kahapon sa Osmeña Avenue, Estancia, Kalibo.

Nakilala ang mga biktimang sina Patricio Nalayog, 66 anyos ng nasabing lugar, driver ng traysekel, at ang nagmomotorsiklong si Michel Francisco, 31 anyos ng Linabuan Norte, Kalibo.


Base sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, paliko na sana sa kaliwang bahagi ng kalsada si Nalayog nang mabangga ng humaharurot na motorsiklo.

Resulta, tumilapon mula sa minamanehong traysekel ang matanda, habang sumemplang naman sa minamanehong motorsiklo si Francsico.

Kapwa nagtamo ng pinsala at sugat sa katawan ang dalawa, subalit sinasabing tumakas sakay ng motorsiklo si Francsico na nahabol naman ng isang pulis malapit sa runway ng Kalibo Airport papuntang Puis, New Washington.

Kaagad din siyang dinala at ginamot sa ospital kung saan naman naka confine si Nalayog.

Pansamantala namang in-impound ng Kalibo PNP ang kanilang motorsiklo at traysekel para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *