Connect with us

Aklan News

TRAK NA MAY KARGANG SOFTDRINKS, NAHULOG SA KANAL, 3 SUGATAN

Published

on

Altavas – Tatlo ang sugatan matapos aksidenteng mahulog sa kanal ang isang elf truck na may kargang softdrinks mag-aalas 3:30 kaninang hapon sa highway ng Tibiao, Altavas.

Nakilala ang mga biktima na sina Diobert Ditoon, 35 anyos, ng Capagao, Panitan, Capiz, (driver ng elf truck), at mga pahinante nitong sina Willy Gabales Jr., 29 anyos ng Tigbauan, Iloilo, at Edelben Jhon Consancio, 31 anyos ng Leon, Iloilo.


Base sa imbestigasyon ng Altavas PNP, galing Iloilo ang mga biktima papuntang Altavas nang magswerve o umikot umano ang truck, pagdating sa pababang kalsada, sanhi ng madulas na daan.

Nag-engine brake pa umano ang driver, subalit hindi na ito nakayanan ng truck at nahulog ito sa kanal.

Resulta, tumilapon at nagkalat ang mga karga nilang softdrinks at nagtamo ng mga gasgas sa katawan ang mga biktima.

Kaagad silang dinala ng mga sumaklolong residente sa ospital, habang agad ding nakalabas dahil hindi naman malubha ang tinamo nilang pinsala.

Samantala, kasalukuyan pang hinahanapan ng paraan na maibalik sa kalsada ang naaksidenteng truck.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *