Connect with us

Aklan News

TRAK, INARARO ANG NAKAPARADANG MOTOR

Published

on

Photo|Altavas PNP

Altavas, Aklan-Kinumpurma ngayong umaga ng Altavas PNP na nagka areglo na ang may-ari ng motorsiklo at ang driver ng trak kaugnay ng aksidente sa bahagi ng diversion road sa Poblacion, Altavas bandang alas 5:00 kahapon ng hapon.

Nabatid na sa estasyon ng pulis nagkasundo ang driver ng truck na si Jonel Busquit, 36 anyos ng Pontevedra, Capiz at ang may-ari naman ng motorsiklo na si Cris Ryan Abraham, sa legal na edad at residente ng Poblacion, Altavas.


Base naman sa imbestigasyon ng Altavas PNP, galing Ibajay at papunta sana ng Capiz ang trak na may kargang mga manok nang mawalan umano ng kontrol sa manibela ang driver sanhi ng steering wheel malfunction at aksidenteng nabangga ang nakaparadang motorsiklo sa kalsada.

Kapwa nagtamo ng pinsala ang motorsiklo at truck, subali’t mapalad namang walang nasaktan sa aksidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *