Connect with us

Aklan News

TOP 9 WANTED PERSON SA LISTAHAN NG APPO, ARESTADO SA CAPIZ

Published

on

Arestado ang isang lalaking wanted sa kasong Frustrated Homicide at Top 9 sa listahan ng Aklan Provincial Police Office alas 7:35 kagabi sa Mambusao, Capiz.

Nakilala ang akusadong si Leo Maligmat Flores, 26 anyos ng Laserna, Nabas.

Isinilbi kay Flores ang warrant of arrest na ibinaba ni Hon. Judge Ronald H. Exmundo ng Branch 4, RTC6 nito lamang January 28, 2020.

Ayon kay Flores, nagawa niya ang krimen noong July 2019 nang pagsasaksakin niya ang tumambang na nakaaway niya sa sayawan sa Laserna, Nabas.

Samantala, nabatid na tumakas ang suspek matapos ang krimen hanggang nagtrabaho siya sa Mambusao, Capiz bilang tagahakot ng kahoy.

Kaugnay nito, pansamantala siyang ikinustodiya sa Kalibo PNP Station para sa karampatang disposisyon.

Pansamantala siyang makakalaya kapag makapagpiyansa ng P72, 000.00.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *