Connect with us

Aklan News

TOP 4 MOST WANTED PERSON NG BALETE PNP, ARESTADO SA ILOILO

Published

on

Balete — Nasa kustodiya na ngayon ng Balete PNP Station ang Top 4 Most Wanted Person sa kanilang listahan na naaresto alas 5:00 kahapon ng hapon sa Sitio Amontay, Dumiles, San Enrique, Iloilo.

Sa joint operation ng Balete PNP at San Enrique PNP, naaresto dahil sa kasong rape ang akusadong si Jerel Bautista, 39 anyos, residente ng nasabing lugar, sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ni Hon. Sheila Martelino-Cortes, Presiding Judge 6th Judicial Region, RTC Kalibo, Aklan noon pang June 6, 2001.


Ayon naman sa Balete PNP, nakatakda siyang iharap bukas sa korteng pinagmulan ng kanyang warrant of arrest.

Walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *