Connect with us

Aklan News

Tindero sa palengke, huli sa pag-transport ng troso sa Nabas

Published

on

ARESTADO ang isang tindero sa palengke nang maharang ng mga kapulisan ang sasakyan nitong may kargang troso alas-8:30 kagabi sa Brgy. Tagaroroc, Nabas.

Kinilala itong si Franklin Ascaño, 24 anyos, ng Sitio Minoro, Brgy. Caticlan, Malay.


Sakay si Ascaño ng isang kulay orange na Suzuki Rusco Multicab kung saan nakuha ang mga troso na nagkakahalaga umano ng halos P4,340.

Una rito, nakatanggap ng impormasyon ang mga kapulisan mula sa Barangay Intelligence Network (BIN) ukol pag-transport ni Ascaño ng mga troso mula sa Tagaroroc papunta sa Brgy. Rizal, Nabas.

Sa ngayon, nananatili ito sa kostudiya ng Nabas PNP at sasampahan ng kaukulang kaso.

Program/Beat: Reporter/Boracay
Years/background in Media works: 10 years
Why chose this profession: Passion
Principle in life: “Do what You Love...

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *