Connect with us

Aklan News

Tindero ng isda, sinalpok ng motor na biglang nag U-turn

Published

on

By

Bali ang kanang kamay ng isang negosyante ng isda matapos na masangkot sa aksidente kahapon sa Madalag.

Kinilala ang biktimang si John Paul Teodosio, 24, residente ng Andagao, Kalibo.

Batay sa ulat, pauwi na sana ang biktima matapos magtinda ng isda sa Madalag habang nakaangkas sa driver nitong si alyas “Ponday Arroyo” pasado alas-3:00 kahapon.

Sinasabing bigla na lamang lumiko o nag u-turn ang motor na kasalubong ng mga ito kaya sila nasalpok.

Dahil dito, tumilapon si Teodosio at nabalian ng kanang kamay habang ang kanyang kasamang si alyas Ponday ay dinala rin sa ospital pero agad ring nakalabas matapos malapatan ng lunas.