Connect with us

Aklan News

TAX EXEMPTION FOR SENIOR CITIZENS ACT, SUPORTADO NI KALIBO SB MEMBER TOLENTINO

Published

on

Photo: Office-of-the-Sangguniang-Bayan-Kalibo-Aklan

Suportado ni Kalibo Sangguniang Bayan member Augusto Tolentino ang House bill No. 8832 o “Income Tax Exemption for Senior Citizens Act”.

Magugunitang inaprubahan ng House Committee on Senior Citizen noong nakarang buwan ang nasabing House Bill na naglalayong ilibre ang mga may senior citizen sa pagbabayad ng income taxes.


Todo Media Magazine

Sa panayam ng Radyo Todo, ipinahayag ni SB Tolentino na isang resolusyon ang kanyang ipinasa sa Sangguniang Bayan upang suportahan ang nasabing House Bill na layong maging exempted ang mga may edad 60 anyos pataas na nagtatrabaho pa rin sa pagbayad ng income tax.

Saklaw rin ng naturang bill ang holiday pay, overtime pay, night shift differential at hazard pay ng mga senior citizen.

Saad pa ng konsehal, sa pamamagitan nito ay matutulungan ang mga senior citizen na magkaroon ng mataas na savings o ipon bago sila magretiro sa kanilang serbisyo.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *