Connect with us

Aklan News

Tattoo artist at isang kasabwat, tiklo sa pagbebenta ng shabu

Published

on

Photo| Reynald Bandiola/Radyo Todo Aklan

Tiklo sa pagbebenta ng shabu ang isang tattoo artist at kasamahan nito sa Brgy Calizo, Balete, pasado alas-4:00, Martes ng hapon.

Ang mga naarestong suspek ay sina Vermonk Villanueva alias “intsik tatoo”, 32, residente ng Malogo, New Washington at ang kasabwat nitong si Dave Panganiban, 29, ng J. Magno St., Kalibo.


Narekober kay Villanueva ang 2 sachet ng pinaniniwalaang shabu kapalit ng P1500 na buy bust money.

Samantala, nagpumiglas pa si Panganiban sa mga kapulisan ngunit nakuhaan ito ng tatlong pakete ng pinaniniwalaang shabu sa kanyang suot na sandals.

Ayon kay Pmaj. Frensy Andrade ng PDEU-Aklan, isang buwan na nilang sinusubaybayan ang subject ng buy bust operation na si Villanueva ngunit mailap ito sa mga kapulisan.

Mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Program/Beat: Reporter/Boracay
Years/background in Media works: 10 years
Why chose this profession: Passion
Principle in life: “Do what You Love...

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *