Connect with us

Aklan News

Tatlong lolo na naaktuhang nagto-tong its, kalaboso

Published

on

Arestado bandang alas 4:30 kaninang hapon ang tatlong lolo matapos maaktuhang naglalaro ng tong-its sa Sitio Dawog, Calimbajan, Makato.
Nakilala ang mga suspek na sina Placido Tapal, 74-anyos, Jose Billiones, 71-anyos na kapwa residente ng nasabing lugar, at Pacifico Traje, 61-anyos ng Pudiot, Tangalan.
Base sa ulat ng Makato PNP, nagroronda umano sila noon sa mga baybayin kaugnay sa selebrasyon ng kapistahan ni San Juan De Bautista, nang madaanan at maaktuhan ang tatlo sa tabi ng kalsada habang naglalaro ng tong-its na may tayang pera.
Kaagad silang nilapitan ng mga pulis at inaresto.
Kinumpiska rin ang kanilang baraha, maging ang P190.00 nilang pusta.
Pansamantala silang isinailalim sa kustodiya ng Makato PNP Station habang inihahanda ang kasong paglabag sa PD 1602 o Anti-Illegal Gambling Laws na isasampa laban sa kanila bukas.