Connect with us

Aklan News

TATLONG KATAO, HULI SA AKTONG NAGTO-TONG ITS, ARESTADO

Published

on

NUMANCIA – Arestado ang tatlong kalalakihan matapos umanong maaktuhan na nagto-tong its bandang alas 4:00 kaninang hapon sa Pusiw, Numancia.

Nakilala ang mga naarestong sina Eliseo Crispino, 60 anyos; Roberto Ocampo, 58 anyos; at Miguel Martinez, 48 anyos na pawang mga residente ng nasabing lugar.


Ayon sa Numancia PNP, nakatanggap umano sila ng report ng nagaganap na ilegal na pagsusugal mula sa intelligence network ng nasabing barangay.

Kaagad umano nilang bineripika ang report at naaktuhan nila ang ilegal na aktibidad ng tatlo.

Kasunod nito ay narekober nila ang isang set nilang baraha at aabot sa Php 120.00 na bet money o pusta.

Pansamantala silang ikinostodiya ng Numancia PNP para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *