Connect with us

Aklan News

Tatlo, tinitignang persons of interest sa pagpatay sa 19 anyos na babaeng natagpuang naagnas sa isang sapa

Published

on

By

Tatlong persons of interest ang tinitignan ng Banga PNP sa kaso ng pagpatay kay Rochell Ann Rodriguez, ang babaeng natagpuang naagnas at wala ng buhay sa isang sapa sa Brgy. Torralba, Banga, Aklan nitong Lunes.

Batay sa Banga PNP, isa sa mga tinitingnang person of interest ang dating kalive-in partner ng 19 anyos na biktima.

Lumalabas sa paunang imbestigasyon na tadtad ng saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan at nakitaan ng basag ang bungo ng biktima.

Huli itong nakita noong Biyernes matapos na magpaalam na pupunta sa isang lamay pero hindi na ito nakauwi at naireport na missing ng apat na araw bago natagpuang patay.

Puspusan pa rin ngayon ang imbestigasyon ng mga awtoridad para matukoy at mapanagot ang salarin.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *