Connect with us

Aklan News

TATLO, TIKLO SA IBAJAY DAHIL SA ILEGAL NA SUGAL

Published

on

Arestado ang tatlong katao sa Polo, Ibajay dahil umano sa ilegal na sugal.

Huli sa akto ang mga naarestong sina Cris Sapolmo, 38 anyos ng Bugtong-bato, Ibajay, at Mark Anthony Molo, 36 anyos, at Jobener Pantu, 47 anyos, na kapwa residente naman ng Naisud, Ibajay.

Base sa report ng Ibajay PNP, kaagad nilang ikinasa ang isang anti-gambling operation matapos matunugan ng pagto-tong its ng mga suspek sa lugar.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang isang set ng baraha at pera na nagkakalahalaga ng Php 470.00.

Pansamantala silang isinailalim sa kustodiya ng Ibajay PNP habang inihahanda ang kasong paglabag sa PD 1602 o Anti-Illegal Gambling Laws na isasampa laban sa kanila sa darating na Lunes, Pebrero 7.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *