Categories: Aklan News

TATLO, SUGATAN MATAPOS MABANGGA NG LASING NA RIDER NG MOTORSIKLO

Tatlo ang sugatan matapos aksidenteng mabangga ng lasing na riser ng motorsiklo mag-aalas 8:30 kagabi sa Calacuchi Road, Andagao, Kalibo.

Nakilala ang mga biktimang sina Armando Cecilio Diaz, 48 anyos ng Lauan, Antique, Era Joven, 63 anyos ng Andagao, Kalibo at apo nitong si Erjay Joven, 17 anyos, ng Estancia, Kalibo, habang nakilala naman ang driver ng nakabanggang motorsiklo na si Joe Clarence Gaviola, 25 anyos ng Ambolong, Batan.

Base sa imbestigasyon ng pulis, naglalakad sa kalsada ang tatlo sa kalsada nang bigla umanong mabangga ng nasabing motorsiklo.

Sanhi nito, nagtamo ng sugat sa katawan ang mga biktima kung saan confined sina Diaz at ang babaeng biktima, habang out patient naman ang kanyang apo.

Samantala, nabatid na nagtamo ng gasgas sa kanyang braso ang lasing na driver na ginamot din sa ospital subali’t kasalukuyang nasa kostodiya ng Kalibo PNP Station para sa karampatang disposisyon.

Base naman sa imbistigasyon ng Radyo Todo, bigla umanong tumawid sa kalsada ang tatlo para makaiwas sa mga nag-aaway na aso sa kalsada subali’t aksidente namang nabangga ng motorsiklo.

Aminado naman ang driver na si Gaviola na nasa impluwensiya ito g alak nang mangyari ang insidente.

Share
Malbert Dalida

Recent Posts

  • Aklan News

Karpintero nakuhaan ng bulto ng shabu at granada sa Balete

Isang bulto ng shabu at granada ang nakuha ng mga awtoridad mula sa isang karpintero…

13 hours ago
  • Aklan News

Tricycle bumangga sa nag-u-turn na SUV

NABANGGA ng traysikel ang isang suv sa bahagi ng Capitol Site, Osmena Avenue, Kalibo ngayong…

2 days ago
  • Aklan News

Pampasaherong bus, bumangga sa poste at inararo ang 2 nakaparadang sasakyan sa gilid ng kalsada

BUMANGGA sa poste at inararo ng isang pampasaherong bus ang nakaparadang truck at L300 Van…

2 days ago
  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

6 days ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

6 days ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

6 days ago