Connect with us

Aklan News

TATLO, ARESTADO SA KASONG PAGNANAKAW

Published

on

Malay – Arestado ang tatlong katao dahil umano sa pagnanakaw sa isang parking area at staff house alas 2:30 madaling araw ng Martes sa Argao, Malay.

Nakilala ang mga naarestong sina Keken Labor, 31 anyos ng Maramag, Mindanao, Sherwin Magallon, 25 anyos ng San Fernando, Romblon, at Jimmy Anicito, 21 anyos ng Hambil, Romblon, lahat kasalukuyang residente ng Caticlan, Malay.

Base sa report ng Malay PNP, nagroronda sila noon nang madaanan nila sa labas ang isa sa mga suspek, na kaagad tumakbo pagkakita sa kanila.

Kaagad umanong nagduda sa kanyang reaksyon ang mga pulis, dahilan na kanila itong hinabol.

Nang maabutan, kaagad umanong umamin na naroon pa sa loob ang 2 nitong kasama na kaagad ding inaresto.

Narekober naman mula kay Keken ang back pack na naglalaman ng mga PDX wire na sinasabing tinanggal pa nila mula sa pagkakakabit, mga vehicle wire, car battery charger, at mga parte ng sinira nilang welding machine.

Pansamantala silang ikinustodiya ng mga pulis para sa karampatang disposisyon.

Advertisement

Nabatid na pagmamay-ari ng JK Boracay Express Inc. ang mga ninakaw ng mga suspek.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *