Connect with us

Aklan News

TATLO, ARESTADO DAHIL SA ILEGAL NA SABONG

Published

on

Illegal na Sabong

Banga – Arestado ang tatlong katao dahil sa ilegal na sabong sa Polo, Banga alas 3:35 kaninang hapon.

Sa joint operation ng CIDG Aklan at Banga PNP, naaresto ang mga suspek na sina Alden Navarro, 18 anyos, Elmer Dela Cruz, 24 anyos, at Jovel Carillo, 42 anyos, lahat residente ng nasabing lugar.

Maliban dito, narekober din ang 2 tari, 5 panabong na manok at kabuuang P540.00 na pusta umano nga mga ito.

Pansamantala silang ikinustodiya sa Banga PNP Station habang inihahanda ang kasong paglabag sa PD 449 o Cockfighting Law (tupada), habang nasa kustodiya naman ng CIDG Aklan ang mga narekober na ebidensya para sa karampatang disposisyon.