Connect with us

Aklan News

TATAY, SINAKSAK ANG ANAK

Published

on

Ruben Ferrariz, ama ng biktimang nasaksak

Arestado ang isang lalaki matapos nito umanong saksakin ang sariling anak alas 9:30 kagabi sa Pook, Kalibo.

Nakilala ang biktimang si Jhonrick Ferrariz, 21 anyos at ang kangyang ama na si Ruben Ferrariz 59 anyos, kapwa residente sa nasabing lugar.


Sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, lasing na umuwi kagabi ang kanyang anak mula sa kapitbahay nang sakalin umano nito, sipain at suntukin pa mismo ang kanyang lola.

Nakita umano ito ng ama kung kaya’t sinaway nito ang anak, subali’t hindi umano ito nagpaawat rason naman na sinaksak siya nito sa tiyan.

Kaagad namang dinala sa ospital ang biktima habang arestado naman ang ama at kasalukuyang nasa kustodiya ng Kalibo PNP Station para sa karampatang disposisyon.

Samantala, nang makapanayam ng Radyo TODO, aminado naman ang ama sa kanyang ginawa habang sinabi rin nito na ugali na ng kanyang anak ang mag-iskandalo o manakit sa ibang miyembro ng pamilya tuwing nalalasing ito.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *