Connect with us

Aklan News

TAGA ALTAVAS ANG BAGONG COVID POSITIVE SA AKLAN

Published

on

KINUMPIRMA ng Aklan Provincial Health Office na taga Altavas ang bagong positive sa Covid.

Ang 44 years old na lalakeng biktima ay empleyado ng Philippine Coast Guard na naassign sa Roxas City.


Nagduty ito doon noong March 1 to 8 at umuwi sa Altavas noong March 9.

March 21 nagpakita ng sintomas ang biktima ngunit hindi kaagad nagpakonsulta.

March 23 na ito nagpa check up sa isang private hospital ngunit negative ang findings.

Kinabukasan ay nagreport ito sa kabilang opisina ngunit sinabihan na ng kanyang superior na sumailalim sa office quarantine.

Dahil sa sakit ng lalamunan, ubo at lagnat ay dinala na ito sa Capiz Provincial Hospital noong March 26 bilang Person Under Investigation.

March 28 kinunan ng specimen at pinadala sa RITM at kahapon ay lumabas na ang result nito na positibo sa covid19.

Sa ngayon ay stable na ang condition ng biktima.

Patuloy ang isinasagawang contact tracing at coordination ng mga kinauukulan tungkol dito.

Program/Beat: Anchorman of Todo Latigo program, 5am to 7:30am, Mon to Sat. Years/background in Media works: 22 years member of the Aklan Media.Why chose this profession: It's a calling. It's my passion.Principle in life: Your success is directly proportional to the number of lives you have touched for the better.