Connect with us

Aklan News

SUSPEK SA PAMAMARIL SA RIDER NG MOTORSIKLO, ISINAILALIM SA PARAFFIN TEST

Published

on

File photo| Radyo Todo Aklan

Isinailalim sa paraffin test ngayong umaga ang suspek sa nangyaring shooting incident sa Panayakan, Tangalan kahapon.

Ayon sa Tangalan PNP, pumayag naman ang suspek na si Rolando Rosas na magpa paraffin test upang malinis umano ang kanyang pangalan sa nangyaring pagbaril kay Mario Taladtad.


Kaugnay pa nito, tumanggi munang magbigay ng pahayag ang Tangalan PNP maging ang suspek na si Rolando habang nagpapatuloy ang kanilang imbestigasyon.

Magugunitang nangyari ang insidente habang nagmomotorsiklo ang biktima na nagawa namang nagpasaklolo sa napadaang multicab para madala siya sa RHU o Rural Health Unit at ilipat sa ospital.

Samantala, nakarekober naman ng 8 fired cartridge ng kalibre 45 ang mga pulis mula sa pinangyarihan ng insidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *