Connect with us

Aklan News

SUNOD-SUNOD NA KIDLAT, ITINUTURONG SANHI NG PATAY-SINDING SUPLAY NG KURYENTE NA NARANASAN SA AKLAN

Published

on

Ang sunod-sunod na kidlat na tumama sa buong probinsiya nitong araw ng Sabado kasabay ng matinding pag-ulan ang itinuturong dahilan ng patay-sinding suplay ng kuryente na naranasan sa Aklan.

Ayon kay Engr. Jude Ropa, Asst. General Manager for Engineering ng Aklan Electric Cooperative (AKELCO) tinamaan umano ng kidlat ang transmission line ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Dahil sa insidente ay anim na beses na naranasan ng mga member consumers ng Akelco ang pagkawala ng kuryente habang walang tigil ang pag-ulan nitong Sabado.

Dagdag pa ni Engr. Ropa na dahil sa grabeng pagbaha ay tinutukan nila ang bayan ng Makato at Malinao.

May iilang poste rin aniya ang naapektuhan dahil sa landslide sa ilang bahagi ng probinsiya pero agad naman nila itong nirespondehan at inayos.

Kaugnay nito humingi ng paumahin ang kooperatiba sa lahat ng mga naapektuhang consumers at ipinaliwanag na ito ay isang uri ng mga hindi inaasahang insidente na naging sanhi ng power interruption.

Napag-alaman na ang AKELCO ang nagmamay-ari ng distribution lines samantala ang NGCP ang may hawak sa transmission at dahil dito ay ang anumang pangyayari na maaaring mangyari sa mga transmission facilities ay lampas na sa kontrol ng AKELCO.