Connect with us

Aklan News

SP Aklan babawiin din ang pagdeklarang ‘Persona Non Grata’ sa apat na Kongresistang author ng Bida Bill 2

Published

on

BABAWIIN din ng Aklan Sangguniang Panlalawigan ang kanilang ipinasang resolusyon na nagdedeklarang ‘Persona Non Grata’ sa apat na kongresistang author ng house Bill 1085 o Bida Bill 2.

Ito ang pahayag ni Vice-Governor Reynaldo “Boy” Quimpo sa panayam ng Radyo Todo.

Aniya, ikinatutuwa nila ang magandang development na binawi din ng mga may-akda ang muling pagbuhay sa nasabing bill.

Dagdag pa ni Quimpo na nagpapasalamat din sila sa inisyatibo ng dalawang Kongresista ng Aklan na sina 1st district representative Carlito Marquez at 2nd district representative Teodorico Haresco sa kanilang pagsisikap na ma-withdraw ng apat na kongresista ang House Bill 1085.

Dahil dito ay maghahain ng resolusyon ang SP Aklan na i-recall ang nauna na nilang resolusyon na nagdedeklarang ‘Persona Non Grata’ gayundin na magpasa ng isa pang resolusyon upang sila’y pasalamatan.

“Ginakalipay naton ruyon nga development ag ginapasaeamatan gid naton ro inisyatibo kara ku atong daywa ka representante sa Kongreso [especially, Cong. Ted Haresco ag Cong. Lito Marquez] sa anda man nga pagpatigayon nga mag-withdraw man it ap-at ngara nga Kongresista ro House Bill 1085. Bangod ngani dikaron, pasaeamatan naton ro ap-at nga Kongresista man. Mapasa kita it sangka resolusyon nga aton man nga gina-recall ro aton nga resolusyon nga declaring them, ‘Persona Non Grata’ riya sa probinsiya it Aklan ag another resolution nga pasaeamatan sanda sa andang change of heart. Sa andang pag-reconsider sa andang pag-withdraw ku HB 1085,” pahayag ni Quimpo.

Matatandaang idineklarang ‘Persona Non Grata’ ng Aklan Sangguniang Panlalawigan sina Congressman Luis Raymund F. Villafuerte ng 2nd District Of Camarines Sur, Congressman Tsuyoshi Anthony G. Horibata ng 1st District Of Camarines Sur, Congressman Miguel Luis R. Villafuerte ng 5th District Of Camarines Sur, at Bicol Saro Representative Congressman Nicolas C. Enciso VIII dahil sa muling pagbuhay nito sa House Bill No. 1085 o Proposing The Creation Of A Boracay Island Development Authority As A Government-Owned And Controlled Corporation (GOCC) kung saan katulad lamang ng House Bill No. 09286 na hindi ipinasa ng 18th Congress.

Advertisement

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.