Connect with us

Aklan News

SOBRANG SINGIL SA PAMASAHE NG MGA PAMPASAHERONG SASAKYAN, IPINAGBABAWAL SA GITNA NG COVID-19 CRISIS

Published

on

Kalibo, Aklan- Isa sa ipinahayag ni Governor Florencio T. Miraflores sa isinagawang virtual presser kaninang umaga na bawal ang sobrang singil ng pamasahe sa mga pampasaherong sasakyan.

Anya dapat sumunod sa fare matrix at hindi pwedeng taasan o sumobra ang pamasahe kahit limitado lamang ang kanilang pasahero bunsod ng General Community Quarantine o GCQ.


Gayunpaman halos karamihan sa mga drivers ay nagtataas ng pamasahe dahil limitado lamang ang kanilang pasahero.

Ngunit kailangan nilang sumunod sa ipinatutupad na batas ngayong nasa GCQ na ang probinsya ng Aklan.

Ayon pa rito ang mga pasahero na maka eksperyensya ng mga ganitong pangyayari ay maaring kunin ang body number ng sasakyan at i-report sa munisipyo, police station o sa Land Transportation Office o LTO para maaksyunan.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *