Connect with us

Aklan News

SILAT PRINCESS TURNED BEAUTY QUEEN: CHERRY MAY REGALADO, KINORONAHAN BILANG MISS KALIBO ATI-ATIHAN 2021

Published

on

By

Pinatunayan ni Cherry May Regalado, isang national pencak silat athlete at gold medalist na hindi lang siya mahusay sa larangan ng sports kundi maging sa pageant world.

Kinoronohan bilang Miss Kalibo Ati-Atihan 2021 si Regalado sa ginanap na virtual coronation night nitong Biyernes. Patunay lamang ito na maaaring parehong maging mahusay sa dalawang larangang ito.


Ngunit bago paman makamit ang tagumpay, marami pang ‘silent battles’ na pinagdaanan si Regalado.

 

STORY OF REDEMPTION

Nilawaran ni Miss MKA 2021 ang kanyang pageant journey bilang “story of redemption”.

“I can’t put into words how grateful I am. A story of REDEMPTION. A story full of tears and happiness. A story full of failures and pain. A Life that I almost gave up,” pahayag nito sa kanyang Facebook post.

 

SHAMED. MISJUDGED. IGNORED.

Aniya hindi madali ang kanyang naranasan. Hinusgahan siya, pinagsabihan ng masasakit na salita at binalewala.

“I was shamed. I was told a lot of hurtful words. I was even misjudged. I was misunderstood. I was deprived of chance. I lost while fighting. I was ignored,” wika nito.

“My family found me almost lifeless,” dagdag pa nito.

 

A REAL LIFE MIRACLE

Sa likod aniya ng matatag at iniidolong babaeng tulad niya ay ang taong puno ng pagkabigo at paghihirap.

“Behind the strong and confident woman that everyone adored and idolized is a WOMAN with so much frustration and agony.  But God never left me alone,” saad nito.

Dagdag pa ng beauty queen, “I was saved again and again.  I was blessed with a lot of people, opportunities, and healing. God gave me a family with so much love and understanding. Friends that will motivate, cheer and will do everything to make me laugh. I was indeed blessed.”

 

HER WINNING ANSWER

Isang malaking hakbang ang ginawa ni Regalado mula sa pagiging atleta hanggang sa pagiging beauty queen.

Patunay lamang ng dedikasyon niya sa pagsali sa MKA 2021 ang naging sagot niya sa tanong na “Would you choose to be right and be hated by many or be wrong and be praise by many?”

“We all don’t want to live in lie. I’d rather be hated by many people by doing the right thing. I believe my mistakes won’t define me. This gives me a room for improvement to be someone better. That would be all, Thankyou,” sagot ni Regalado.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *