Connect with us

Aklan News

SENATOR BONG GO, MAGIGING SPONSOR NG BIDA SA SENADO

Published

on

Si Sen. Bong Go ang magiging sponsor ng senate version ng Boracay Island Develooment Authority o BIDA Bill sa Senado.

Ito ang kinumpirm ni Cong. Eric Yap, Co-Author ng BIDA Bill matapos umano niyang kausapin ang senador at pumayag naman ito.


Kumpyansa rin si Yap na hindi rin mahihirapan si Sen. Go na kumbinsihin ang kanyang mga kasamahan sa senado na suportahan ang BIDA Bill dahil alam naman umano ng mga ito kung gaano kaimportante ang Boracay sa Pilipinas pagdating sa turismo.

Umapela din ng suporta at kooperasyon si Yap sa publiko at mga stakeholders sa oras na maging batas na ang BIDA dahil malaki umano ang maitutulong nito para sa ikakaganda pa ng Isla.

“Bida at panalo po ang Boracay at bansa sa BIDA”, pahayag pa ni Cong. Yap.

Program/Beat: Anchorman of Todo Latigo program, 5am to 7:30am, Mon to Sat. Years/background in Media works: 22 years member of the Aklan Media.Why chose this profession: It's a calling. It's my passion.Principle in life: Your success is directly proportional to the number of lives you have touched for the better.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *