Connect with us

Aklan News

Sen. Migz Zubiri, pinangunahan ang panunumpa ng mga opisyal sa Aklan

Published

on

Photo Courtesy: Screengrab from PCTV/ACTV

Pinangunahan ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang panunumpa ng local at provincial officials sa lalawigan ng Aklan.

Ginanap ang naturang inagurasyon sa ABL Sports and Cultural Complex, Capitol Site sa bayan ng Kalibo nitong Hunyo 27.

Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ni Zubiri ang mga Aklanon dahil ang Aklan aniya ay malapit sa kanyang puso.

“Kaupod ninyo ako sa maga-abot nga tinu-ig. Magbuliganay kita tanan para sa ikauswag it aton nga nasyon,” dagdag pa nito.

Si Zubiri ang posibleng magiging susunod na Senate President matapos magpahayag si Sen. Cynthia Villar, ang mahigpit niyang katunggali na hindi na ito interesado sa nasabing posisyon.