Connect with us

Aklan News

Sekyu na bibili lang sana ng pandesal, nakaligtas matapos nadamay sa pamamaril sa Boracay

Published

on

By

Isinalaysay ng security guard ang nangyari matapos madamay sa insidente ng pamamaril sa Sitio Manggayad Brgy. Manocmanoc, Boracay kahapon.

Kwento ng biktimang si Ronald Catalino sa Radyo Todo, nakasanayan na niyang dumaan sa lugar tuwing madaling araw para bumili ng pandesal.

Pauwi na siya sa Ambulong sakay ng motor nang madaanan ang suspek at biktimang nagsusuntukan.

Pero dumiretso lang siya sa pagmamaneho dahil normal na umano sa kanya na laging may nag-aaway sa lugar.

Di kalaunann ay nakarinig na siya ng limang putok ng baril at isa ang tumama sa kanyang likod na tumagos sa kanyang tiyan.

Tumumba siya sa motorsiklo, pero dahil mayroon siyang alam sa first aid, dinukot niya ang bala sa kanyang tiyan at dali-daling sumakay ulit ng motor sa takot na baka pagbalingan siya ng suspek at tadtarin ng bala.

Laking pasasalamat ni Catalino sa ikalawang pagkakataong ibinigay sa kanya ng Panginoon para mabuhay.

“Binigyan pa ako ng Pangiinoon ng pangalawang buhay dahil birthday ko bukas,” saad niya sa panayam.