Connect with us

Aklan News

SEKRETARYA, NI-RAPE NG GUWARDIYA SA KANILANG OPISINA

Published

on

Photo| Shutterstock

Isang guwardiya ang dinakip ng pulisya makaraang gahasain ang sekretarya ng pinapasukan nilang kumpanya sa Boracay dakong alas-5 kahapon.

Kwento ng 23 anyos na biktima, nasa loob siya ng kanilang opisina nang biglang kumatok ang suspek na umano’y lasing.


Umupo ang suspek at nag-usap sila saglit pero bigla umano nitong hinila at sinakal ang biktima.

“Maluoy ka man kakon kay may unga ako.”

Pagmamakaawa pa ng biktima sa suspek bago siya nito tuluyang hubaran at gahasain.

Dahil sa takot, hindi na nanlaban ang biktima dahil may hawak umanong screw driver ang suspek habang ginagawa ang pangagahasa.

Pero nakatakas ang biktima matapos umanong may kumatok sa pinto na isa ring guwardiya, agad na tinulak ng biktima ang suspek, nagtapis at tumakbo para humingi ng tulong.

Naaresto ang suspek dakong alas-10 kagabi sa kanyang tinutuluyang boarding house sa isla ng Boracay.

Program/Beat: Reporter/Boracay
Years/background in Media works: 10 years
Why chose this profession: Passion
Principle in life: “Do what You Love...

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *