Connect with us

Aklan News

SASAKYANG MINAMANEHO NG PULIS BUMANGGA, PASAHERO PATAY

Published

on

Patay ang isang pasahero ng sasakyang minamaneho ng isang pulis matapos maaksidente alas-6:45 kagabi sa Poblacion, Nabas, Aklan.

Kinilala ang biktimang si Cheron Morales, nasa legal na edad, residente ng Purok 4 Laguinbanwa, Ibajay habang ang drayber ng sasakyan ay si PSsg. Elren Ismael, 38, ng kapwa residente ng nasabing lugar.


Batay sa imbestigasyon ng Nabas PNP, mula sila sa Caticlan at pauwi na sa Ibajay nang mag-overshoot ang sasakyan at bumangga sa malaking logo na letrang N sa Nabas.

Mabilis silang dinala sa Ibajay District Hospital pero idineklarang dead on arrival ang pasaherong si Morales habang si Ismael ay kasalukuyang ginagamot ngayon sa isang pribadong ospital sa Kalibo.

Program/Beat: Reporter/Boracay
Years/background in Media works: 10 years
Why chose this profession: Passion
Principle in life: “Do what You Love...

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *