Connect with us

Aklan News

SAPILITANG PAGSUSUOT NG FACE MASK SA BAYAN NG MALAY, MAHIGPIT NA IPAPATUPAD

Published

on

Photo courtesy| LGU Malay on facebook

MALAY – Permado na ni Acting Municipal Mayor Frolibar Bautista ang Executive Order No.018- Mandatory Wearing of Face Masks in Public Places, alinsunod sa direktiba ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease at Advisory ng Department of the Interior and Local Government (DILG), na ipapatupad sa bayan ng Malay kasama na rin ang isla ng Boracay ang pagsusuot ng face mask ng mga taong lalabas ng kanilang bahay.

Image may contain: text
Photo courtesy| LGU MALAY
Photo courtesy| LGU MALAY

Lahat ng tao na nasa labas ng kanilang bahay katulad ng mga frontliners at mga residente na may Quarantine Pass, ay dapat magsuot ng face masks.


Ang Philippine National Police, Philippine Coast Guard, PNP-Maritime, Bureau of Fire Protection, Malay Auxiliary Police, Beachguards, LGU Security, at lahat ng Punong Barangay at ang kanilang mga kagawad at mga Tanod ang siyang magpapatupad ng Executive Order na ito sa kanilang mga nasasakupan. Ang order na ito ay mananatili at nakadepende sa desisyon ng Mayor.

Hinihikayat ang paggamit ng reusable face masks o Kahit anong pantakip sa ilong at bibig katulad ng tela, panyo, o surgical masks.

Ang paglabag sa order na ito ay papatawan ng karampatang kaparusahan na nakapaloob sa Section 10 ng Republic Act 11332 at iba pang mga batas. Hinihingi ng bayan ng Malay ang kooperasyon at pag-unawa ng bawat isa.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *