Connect with us

Aklan News

SANGGUNIANG BAYAN NG KALIBO MARAMING NAIPASANG RESOLUSYON NGUNIT HINDI NAIPATUPAD – EX-OFFICIO MEMBER

Published

on

Photo Courtesy: Office of the Sangguniang Bayan, kalibo Official Facebook Page

Maraming resolusyon ang Sangguniang Bayan na aprubado ngunit hindi naipatupad para sa bayan ng Kalibo.

Ito ang pahayag ni Liga ng mga Barangay President Ronald Marte sa panayam ng Radyo Todo.

Ayon kay Marte, kahit aniya marami silang mga aprubadong resolusyon kung ayaw naman ng ehekutibo sa kanilang proposal ay wala silang magagawa.

“..approved kunta ro among resolution, but pag-abot sa executive hay nagapili eang imaw kung ano ro dapat ipaubra nana”, pahayag ni Marte.

Dagdag pa nito na pinipili lamang umano ng ehekutibo ang mga nais niyang ipatupad samantalang ang nais nila sa SB ay para naman sa kabutihan at ikauunlad ng buong bayan ng Kalibo.

Kaugnay nito, sinabi ni Marte na karamihan sa mga ipinasa niyang resolution ay ang tungkol sa economic recovery at lokal na turismo.