Connect with us

Aklan News

SANGGOL, NAMATAY SA KAGAT NG ASWANG?

Published

on

By

Isang sanggol ang biglaang namatay sa bayan ng Kalibo dahil sa umano’y kagat ng aswang.

Ayon sa 15-anyos na nanay ng isang buwan palang na sanggol, biglaan lang daw ang pagkamatay ng kanyang anak kahapon ng madaling araw.

Aniya, mayroon silang nakitang marka ng kagat sa dibdib ng bata at pasa sa ilong nito na wari’y inipit di umano.

“Mingko inangkitan it aswang ngaron ho, mga maeain nga ginhawa,” kwento ng ina sa panayam ng Radyo Todo.

Ayon naman sa ama ng sanggol, nag-alala siya nang mapansin na hindi umiiyak ang kanyang anak dakong alas-2 ng madaling araw kahapon kagaya ng kanilang nakasanayan.

Nang tingnan niya umano ang bata ay nakita niya na may pasa na ang ilong nito at hindi na humihinga.

Nagdududa sila na aswang ang may gawa nito sa kanilang anak.

Mula nang ipanganak kasi ang bata ay wala naman raw itong sakit at hindi nakaranas ng lagnat kahit isang beses.

Nananawagan ngayon ang pamilya ng tulong sa mga gastusin sa pagpapalibing ng kanilang anak.

Sa mga nais tumulong, maari kayong magpadala kay Pawie Colas sa numerong 09636232922.